Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang empleyado ng Department of Justice (DOJ).
Ito ay batay sa kumpirmasyon ni DOJ Undersecretary Markk Perete.
Ani Perete, ang naturang empleyado ay isa sa mga nagpositibo nang sumailalim ito sa rapid testing, kaya’t isinailalim ulit ito sa confirmatory testing at lumabas ngang positibo ito sa virus.
Sa datos na inilabas ng DOJ, nasa higit 500 mga empleyado na nito ang sumailalim sa rapid test, at 72 sa mga ito ang positibo kaya’t isinailalim naman sa swab test para makumpirma kung nadapuan ba ang mga ito ng virus.
Sa ngayon, patuloy pang hinihintay ng DOJ ang nga resulta ng swab test ng iba pa nitong mga empleyado.