Isinara ang trading floor at head office ng Philippine Stock Exchange (PSE) sa Bonifacio Global City sa Taguig sa loob ng 24 oras.
Ang desisyon ay ipinag-utos matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa nitong empleyado.
Ayon naman sa Safe City Task Force ng pamahalaang lungsod ng Taguig, nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng PSE para siguruhin ang kaligtasan ng mga tauhan nito.
Kasunod nito, makikipag-tulungan ang mga safety officer ng PSE sa lokal ng pamahalaan ng Taguig sa isasagawa nitong contact tracing at disinfection habang nakasarado ang pasilidad ng PSE.
Samantala, ayon sa pamunuan ng lungsod nakipag-ugnayan na ito sa national testing center sa Enderun Colleges, para masailalim sa testing ang mga empleyado ng PSE at ilan pang mga pumapasok dito.