Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang empleyado sa Laoag City matapos ma-expose kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon sa mga otoridad, ang pasyente na empleyado ng City Social Welfare and Development Office, kasama ang isa pang kapwa empleyado nito ay kasama sa mga sumalubong kay Roque sa Laoag International Airport.
Sinasabing ika-12 ng Marso nang bumisita si Roque sa Laoag City kasama si testing czar Vince Dizon para personal na makita ang vaccination program ng Laoag City General Hospital.