Nagbabala ang isang epidemiologist sa Estados Unidos na maging potential ticking bomb sa HIV at iba pang sexually transmitted diseases ang lockdown na ipinatutupad dahil sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Travis Sanchez, isang epidemiologist sa Emory University, bagamat nabawasan ang transmission dahil sa lockdown napabayaan naman ng check-up at testing dahil sa lockdown at pagsasara ng centers na nagsasagawa nito.
Batay anya sa isinagawa nilang online survey, halos 300 sa 1,000 respondents ang nagsabi problemado sila sa testing at check-ups kaya’t wala silang ideya sa kalagayan ng kanilang kalusugan.