Nasunog ang isang eroplano sa runway 24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), linggo ng gabi.
Ito ang kinumpirma ng pamunuaan ng manila international airport authority.
Batay sa report, naganap ang insidente habang nagte-take off ang Lion Air Westwind ambulance aircraft na patungo sanang Haneda, Japan para sa isang medical evacuation mission.
Lulan nito ang dalawang foreign nationals, isang Canadian at American national maging ang anim na Pilipino na pawang nasawi bunsod ng pangyayari.
Sa inisyal na report, sinabi ng CAAP na naka-encounter ang eroplano ng technical problem habang ito’y naghahanda para mag-takeoff sa runway 6 ng paliparan.
Bumagsak at nasunog ang isang eroplano sa runway 24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayong linggo ng gabi.
Ito ang kinumpirma ng pamunuaan ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Batay sa report, naganap ang insidente habang nagte-take off ang Lion Air Westwind ambulance aircraft na patungo sanang Haneda, Japan para sa isang medical evacuation mission.
Lulan nito ang dalawang foreign nationals, isang Canadian at American national maging ang anim na Pilipino na pawang nasawi bunsod ng pangyayari.
Agad namang isinara ang pinangyarihan ng insidente para sa imbestigasyong gagawin ng aircraft accident investigation board ng Civil Aeronautics Authority of the Philippines (CAAP).
Samantala, sa pulong balitaan ng MIAA, sinabi nito na target ng pamunuan na ma-clear ang isinarang runway bago ang hatinggabi.
Sa panulat ni Ace Cruz.