Nag-emergency landing ang isang Cessna 152 plane sa Barangay Pilar, Sta. Cruz. Ilocos Sur.
Mula sa Vigan City pabalik sana sa Binalonan ang naturang eroplano.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon umano ng engine failure kaya humanap agad ang piloto ng lugar kung saan maaaring mag emergency landing.
Ligtas naman ang sakay nitong flight instructor at student pilot.