Tuluyan nang kinansela ng Gulf Airlines ang biyahe ng Flight GF 155 matapos mag-emergency landing sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Sa inisyal na ulat, kaninang ala-1:04 ng hapon nang umalis ang Airbus 330 series 200 aircraft sa NAIA runway 0624.
Bandang ala-1:10 ng hapon nang humingi ito ng emergency status sa Manila control tower sanhi ng pag-usok ng left engine ng Gulf Air flight 155.
Pagsapit ng ala-1:30 ng hapon, matagumpay itong nakapagsagawa ng emergency landing.
Patungo sana sa Bahrain ang naturang eroplano na may sakay na 207 pasahero, 9 na crew at 3 piloto.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)