Napilitang mag emergency landing ang Delta flight sa Oklahoma City matapos atakihin ng isang pasahero ang dalawang katao na nakasakay din sa eroplano.
Nagmula sa Washington DC ang BOEING 757-200 kung saan patungo sana itong Los Angeles.
Ayon kay Oklahoma City Police Captain Arthur Gregory, inatake umano ng isang suspek ang isang flight attendant pati na rin ang isang pasahero na umaawat sa suspek.
Pinaghihinalaan namang nakainom ang suspek na kinilala na si Ariel Pennington, 35 taong gulang.
Nang lumapag na ang eroplano ay agad na inaresto ang nasabing suspek.