Pansamantalang isinara ang paliparan sa Myanmar matapos sumadsad ang isang eroplano.
Ito ay matapos dumulas sa runway ng Yangon International Airport ang Chinese-made Y-8 200F transport plane dahil nagkaaberya ang isa sa mga makina nito.
Ayon sa Deputy Director-General ng Myanmar Department of Civil Aviation na si Ye Htut Aung, agad ring maibabalik sa normal operations ang paliparan kapag alis ng sumadsad na eroplano.
Samantala, wala namang napaulat na sugatan sa nasabing insidente.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.