Patay ang isang estudyante matapos masangkot sa rambulan sa isang Bar sa Davao City.
Kinilala ng San Pedro Police Station 2 ang biktima na si Amir Pulanon Mangacop, 21 anyos at residente ng Bacaca Barangay 19-B.
Batay sa imbestigasyon ng San Pedro Police Station 2, naganap ang rambol dakong alas-12:50 ng madaling araw kahapon sa J. Camus Extension sa Barangay 9-A.
Nagharap sa lugar ang dalawang grupo ng mga lalaki na pawang mga nakainom.
Bagaman sinita ng pulis na dumating sa lugar, hindi pa rin nagpapigil ang mga ito kung saan binugbog ng grupo ng biktima ang isang lalaki mula sa grupong kanilang nakaaway.
Dahil dito, bigla bumunot ng baril ang lalaking binugbog at binaril ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Agad naman naaresto ang suspek habang dinala ang biktima sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.
Ang suspek ay isang non-uniformed personnel doctor ng Police Regional Office 11 at nasa kustodiya na ng San Pedro Police Station 2.
Nakumpiska mula sa kanya ang isang registered .9mm glock 43 na may isang magazine.