Gusto mo bang kumain ng meatball na mula sa isang hayop na matagal nang wala sa mundo?
Ito ang meatball na gawa sa woolly mammoth. Bagamat 10,000 years ago na silang extinct, nakahanap pa rin ng paraan ang ilang food scientists na gamitin ang karne nito sa pagkain.
Upang magawa ang kakaibang meatball na ito, kinuha nila ang myoglobin gene mula sa DNA ng mammoth.
Ang myoglobin ay isang protina na nag-iimbak ng oxygen sa muscles.
Bukod dito, ginamit din ng scientists ang genes ng African elephant, ang pinakamalapit na nabubuhay na kamag-anak ng mammoth. Ininject ito sa cells ng tupa.
Curious ka na ba sa lasa nito? Kami rin, dahil wala pang nakakatikim sa mammoth meatball.
Dahil ilang libong taon nang walang protina na katulad ng sa mammoth, bawal pa itong kainin. Idadaan muna ito sa ilang safety tests upang matiyak na hindi allergic dito ang mga tao.