Mahigpit na binabantayan ng PHIVOLCS ang Malungon fault line.
Ito ayon kay Ismael Narag, OIC ng PHIVOLCS earthquake monitoring ay dahil sa pinakamalakas na magnitude 7.2 na lindol na dala nito matapos ang magnitude 6.5 na lindol sa Tulunan, Cotabato kaninang umaga.
Sinabi ni Narag na naniniwala silang ang serye ng mga pagyanig na nangyari nitong nakalipas na July 9, October 16, 29 at 31 ay maaaring dulot ng isang fault.
Binisita na ng PHIVOLCS team ang ibabaw ng fault line sa Davao Del Sur at Cotabato para maglagay ng mga instrumento na makakapag-monitor ng galaw nito.