Isang Filipino-American (Fil-Am), kasama ang tatlo (3) nyang mga anak ang di umano’y kasama sa mga nasawi sa nasunog na bangka malapit sa Sta. Cruz Island sa Southern California.
Pabalik na sana ng Sta. Barbara ang mag-anak mula sa tatlong araw nilang excursion sa Channel Islands nang mangyari ang insidente.
Kinilala ang Fil-Am na si Michael Quitasol, ang kanyang mga anak na sina Evan, Nicole at Angela gayundin ang asawang si Fern.
Pinaniniwalaang nasawi ang lahat ng 34 na sakay ng 75-talampakang bangka kaya’t itinigil na ng U.S. Coast Guard ang kanilang search and rescue mission.