Sentensyadong makulong ng dalawampung (20) taon ang Fil-Am na nagpadala ng mga tubo na may pampasabog sa ilang democrats at mga kritiko ni U.S. President Donald Trump.
Umiiyak na humingi ng paumanhin sa publiko si Cesar Sayoc matapos itong hatulan ni U.S. District Judge Jed Rakoff sa Manhattan.
Si Sayoc ay nauna nang nagpasok ng guilty plea sa paggamit ng weapons of mass destruction at iba pang krimen.
Life sentence ang hiningi ng prosecution sa hukuman samantalang sampung (10) taon at isang buwan naman ang sa kampo ni Sayoc.
Kabilang sa depensa ng mga abogado ni Sayoc ay ang pagiging paranoid at pagkakaroon ng delusional thinking ni Sayoc dahil sa paggamit ng steroids.