Isang Filipino-American ang itinalaga ni U.S. President Donald Trump bilang Assistant Press Secretary sa White House.
Kinilala ang Fil-Am na si Ninio Joseph Fetalvo, 23 anyos na nagsilbing deputy director ng media affairs ng 2016 Republican National Convention.
Bago tumapak sa White House, naging press secretary din si Fetalvo ng Asian Pacific American na nakatutok sa mga Asian American community sa Amerika.
Bukod sa pagharap sa media, kabilang din sa mga tututukan ng Fil-Am ang healthcare, edukasyon, transportasyon at veterans affairs.
By: Drew Nacino