Isang Filipino-Australian ang idineklarang pinakabatang billionaire sa Australia at ikatlong pinakamayamang babae sa nasabing bansa.
Si Melanie Perkins, 32 taong gulang ang nasa likod ng graphic design at publishing tool na Canva na malawakang ginagamit sa buong mundo dahil sa pagiging user friendly at accessibility nito.
Ayon sa Canva tumaas ang kanilang value o market sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic kung kailan marami ang lumipat sa pagta trabaho online.
Sa katunayan ilang bagay ang ipinalabas ng canva nuong lockdown tulad ng stylish at attractive video call backgrounds para matulungan ang mga empleyado na nasa work from home set up.
Ipinabatid pa ng canva na 60 million dollars ang nadagdag sa valuation nito dahilan para pumalo sa kabuuang 6 billion dollars ang bagong valuation nito.
Ayon sa report ng news.com.au si Perkins ang nakadiskubre ng graphic design solution technology nuong 2014 kasama ang fiance niyang si Cliff Obrecht at Cameron Adams na pawang tinukoy bilang canva founders.
Ang canva sa ngayon batay na rin sa naging pahayag ni Perkins sa panayam ng 60 minutes Australia ay ginagamit na ng mahigit 30-M katao kada buwan.