Kinoronahan bilang Miss New Mexico 2022 sa USA beauty pageant ang Filipina-American na si Suzanne Perez.
Kasunod ito ng pagkapanalo nang isa ring Fil-Am na si Averie Daniela Bishop bilang Miss Texas 2022.
Si Suzanne ang kauna-unahang Filipino-American na kinoronahan bilang Miss New Mexico, USA.
Nagmula ang 25-anyos na si Suzanne sa Bislig, Surigao del Sur at nagtapos ng Bachelor’s Degree in Communication Science and Disorder sa Eastern New Mexico University.
Dati nang sumasali ang dalaga sa beauty pageant kung saan hinawakan niya ang koronang Miss World Philippines USA.
Idadaos ang Miss USA sa December 2022 kung saan maglalaban-laban ang 50 beauty contestants mula sa 50 states ng America.