Iginawad ng United Arab Emirates sa isang Filipino diplomat ang pinaka-mataas na parangal bilang pagkilala sa naging ambag nito sa pagsusulong ng bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at UAE.
Ipinagkaloob ni Emirati President Mohammed Bin Zayed Al Nahyan ang Medal of Independence of the First Order kay Philippine Ambassador to UAE Hjayceelyn Quintana sa isang seremonya.
Pinangunahan ni UAE State Minister Ahmed Ali Al Sayegh ang seremonyang isinagawa sa Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation.
Nagpasalamat naman si Quintana sa liderato ng UAE sa pagbabahagi ng kanyang layuning paglapitin ang dalawang bansa at tuklasin ang tunay na kahulugan ng pagtutulungan para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino at Emiratis. —sa panulat ni Hannah Oledan