Patay ang isang fixer sa Biñan, Laguna matapos pagbabarilin nitong Martes.
Ayon sa ulat, kinilala ang biktima na si Nestor Areza, malapitang binaril ito sa isang convenience store sa lungsod.
Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit ididineklara itong dead on arrival.
Sa ngayon, inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin. —sa panulat ni John Jude Alabado