Idineklara ng Food and Drug Administration (FDA) na ligtas kainin ang mga produkto ng Lucky Me sa Pilipinas.
Sinabi ito ng FDA kasunod nang inilabas na Health Safety Warning ng Ireland, France at Malta laban sa mga Lucky Me! products dahil sa mataas na antas ng ethylene oxide na nakita sa produkto.
Pero sa kabila ng paglilinaw, ilang produkto ng Lucky Me ang nakitaan ng ethylene oxide batay sa pagsusuri ng independent laboratory sa Vietnam.
Ito ang Lucky Me! Pancit Canton kalamansi variant na mayroong 0.02 mg/kg ng ethylene na sinusuri na ngayon ng FDA.
Ang mga produkto naman ng lucky me na walang nakitang ethylene oxide ay ang Pancit Canton Extra Hot Chili, Pancit Canton Regular, Pancit Canton Chilimansi at Instant Mami Beef Regular.
Binigyang-diin naman ng FDA na ang mga apektadong batch na naglalaman ng ethylene oxide ay ginawa sa Thailand at hindi sa Pilipinas kaya hindi ito ipinamahagi sa ating bansa.