Ibinalik ng isang basurero sa Pangasinan ang halos P200,000 na natagpuan niya habang nasa trabaho.
Nakita ni Reny Corpuz ang P500 na nasa tabi ng isang basura ngunit tumambad sa kanya ang isang paper bag na naglalaman ng halos P200,000.
Sa halip na itago ito sa kanyang sarili, agad na isinuko ni Corpuz ang naturang pera sa lokal na pamahalaan ng Urdaneta, Pangasinan.
Ani Corpuz, ayaw nitong itago ang perang hindi naman sa kanya at hindi nito pinagpaguran.
Naibalik ang nasabing pera sa isang establisyimento na hindi sadyang naitapon ang paper bag na naglalaman ng pera habang nagsasagawa ng general cleaning.
Dahil dito, si Corpuz ay hinangaan at agad na na-promote sa kaniyang trabaho.