Inatake ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang gasolinahan sa Kabacan, North Cotabato.
Pasado alas-8:00 kagabi nang atakihin ng mga suspek ang Petron gasoline station.
Tinutugis na ng mga otoridad ang 2 suspek na tumakas kaagad matapos ang insidente sakay ng motorsiklo.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibleng motibo sa naturang pag-atake.
By Judith Larino