Nanatiling nakabukas ang isang gate ng Magat Dam ngayong linggo upang magpalabas ng tubig na tumatawid sa mga lalawigan ng Ifugao at Isabela ayon sa PAGASA-Flood Forecasting and Warning Section.
Bandang ala-6 ngayong umaga nang buksan ng dalawang metro ang gate ng dam na mas malaki kumpara sa pagbubukas ng tarangkahan nitong Sabado kung saan nasa 191.06-meters ang lebel ng tubig na mas mababa kaninang alas-sais ng umaga na nasa 190.91 meters.
Samantala, patuloy na bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan na umabot na sa 195.10 meters alas-6 ng umaga ngayong araw.