Nagbabala ang isang global policy think tank laban sa nilulutong joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ayon kay Derek Grossman, senior defense analyst ng Rand Corporation, malabong umubra ang cooperation deal ng dalawang bansa sa South China Sea dahil na rin sa isyu ng soberenya.
Giit ni Grossman, malinaw ang nakasaad sa ruling ng ‘Permanent Court of Arbitration’ na ang Recto Bank ay sakop ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas at walang legal na basehan ang ginagawang pag-angkin ng China sa naturang teritoryo.
Binigyang diin ni Grossman na dapat mag-ingat ang pamahalaan ng Pilipinas at pag-isipang mabuti ang nasabing joint exploration.