Seguridad ng mga bata ang isa sa priorities ng mga magulang kahit saan man sila magpunta, lalo na sa eskwelahan na nagiging second home na nila.
Pero paano nga ba masisiguro ang kaligtasan ng mga bata kapag wala sila sa ating paningin?
Isang bangungot para sa mga magulang ang nangyari sa isang grade 1 pupil sa Comara T. Manuel Central 1 Elementary School SPED Center sa Lupon, Davao Oriental na si Althea Gaviola.
Sa isang aksidente na naging resulta ng umano’y pagtatalo ng dalawang bata ay nasawi ang biktima matapos tumama ang ulo sa mesa nang itulak ng kaklase.
Pagsakit ng ulo ang inireklamo ni Althea at nakaranas din ng pagsusuka. Nadala pa siya sa ospital ngunit pumanaw rin matapos ang ilang araw na na-comatose.
Hindi naman daw sinisisi ng mga magulang ang teacher ng kanilang anak lalo na at nagpakita ito ng concern at tinulungan pa sila sa pag-asikaso sa bata.
Sa ngayon, humihingi ng tulong ang mga magulang ni Gaviola para sa kanyang libing.
Ikaw, anong masasabi mo sa pangyayari na ito?