Isang granada ang nadiskubre habang naghuhukay ang isang construction worker sa Barangay San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas.
Ayon sa construction worker na si Garry Carandang, 40-anyos, magtatayo sana sila ng bahay kasama ang iba pa niyang kasamahan nang mahukay ang isang granada na swerte umanong hindi sumabog.
Nasa kostudiya na ng Batangas Explosive Ordinance Disposal (EOD) ang naturang granada para sa proper disposition nito.