Binatikos ng grupong Kalayaan Atin Ito, ang naging pahayag ni DFA Secretary Perfecto Yasay na hatian ang China sa national resources sa West Philippine Sea, kahit pa manalo ang Pilipinas sa kasong inihain sa international arbitration court.
Ayon kay Joy Ban-eg ng Kalayaan Atin Ito Movement, hindi pag-aari ni Yasay ang West Philippine Sea kaya hindi nito dapat sinasabing ibahagi ang likas na yaman ng Pilipinas sa China.
Nabibilang anya sa isang daang milyong pilipino ang nasabing karagatan kaya dapat munang kumunsulta si yasay bago ito magbigay ng mga ganoong pahayag.
Ikinwento pa ni Ban-eg ang kanilang mga pinagdaanan para ikampanya ang paglaban sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, gaya na lamang ng paglangoy nila sa Scarborough shoal habang hinaharang ng Chinese coast guard.
By Jonathan Andal