May alinlangan ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP sa panukalang batas na nagtatakda ng anim na buwang maternity leave.
Ayon kay Ed Lacson, pangulo ng ECOP, siguradong maapektuhan ang pagiging produktibo ng mga manggagawa sa isang kumpanya.
Hindi rin anya ito makakaganda sa mga kababaihan dahil posibleng mag-alangan ang mga employers na kumuha ng emplyedong babae lalo na ang mga may asawa na.
Sinabi ni Lacson na bagamat maganda ang intensyon ng panukalang batas, dapat anyang isaalang-alang ng mga mambabatas ang epekto na mahabang pagliban sa trabaho.
Aminado si Lacson na maaaring pumasa ang panukala sa Kongreso subalit duda siya kung kakayanin itong ipatupad.
By Len Aguirre