Isang team ng industrial engineers, chemists at engineer’s mula sa University of the Philippines (UP) -Diliman ang nagdisenyo ng sanitation tent na maaaring gamitin ng mga tanggapan para labanan ang COVID-19.
Sa kaniyang facebook account ibinahagi ni Kyla Mae Tan, miyembro ng team ang sample design ng sanitation tent na abot kaya at madaling itayo.
Sinabi ng team na open source ang disenyo at ang mga materyales na gagamitin sa pagtatayo ng tent ay mabibili naman sa mga hardware.
Ang sanitation tent ay uubrang gamitin sa papasok o entrance ng mga ospital, MRT at LRT stations, bus stops, offices, grocery stores at public markets.
Isinasapinal pa ng grupo ang nasabing disenyo ng tent na kapag natapos nila ay kaagad nilang ipadadala sa kanilang mga contact, Local Government Units at iba pang institusyon na maaaring gumamit nito.
Pebrero naman nang makapag develop ang isang scientist ng UP national institute of health ng testing kit para sa COVID-19.