Nagbabala ang isang environmental watchdog sa peligrosong paggamit ng ilang whitening products na mataas ang mercury content.
Ayon kay BAN Toxics, Executive Director Reynaldo San Juan, kalimitang nanggagaling ang mga produktong pampaputi sa mga bansa tulad ng Pakistan at Thailand.
Aniya, ang nasabing kemikal ay hindi nawawala at nadaragdagan lamang kung saan sinisira nito ang utak.
Payo ni San Juan, dapat alamin ng publiko kung rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang binibiling pampaputi. —sa panulat ni Airiam Sancho