Nagkasa ng outreach program ang isang grupo sa Barangay Quirecada sa Tondo, Maynila.
Nabatid na namahagi ang local sportsbook at e-games platform OKBet ng 300 gift baskets sa Yaquitoda at Hertoda, ang dalawang malalaking Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) na nag-o-operate sa lugar.
Ayon kay Ms. Pebbles Muñiz, corporate social responsibility program manager ng OKBet, bahagi ito ng “Every Toy Has A Spirit Of Joy” drive ng kanilang kompanya.
“Mula sa aming mga pinuno at mga empleyado na bumubuo sa OKBet, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa city government of Manila, lalo na po sa inyong mahal na Mayor, Mayora Honey Lacuna, sa oportunidad na makapagbahagi kami ng [tulong] sa mga mamamayan ng Tondo,” wika ni Muñiz.
Dumalo naman sa outreach event sina City Councilor Darwin Sia at Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje bilang kinatawan ni Lacuna.