Nanawagan ang grupo ni dating Manila Councilor Greco Belgica sa mga botante na huwag ng bumoto sa 2016 national elections.
Bunsod ito ng diumano’y malawakang pandaraya ng PCOS machine noong nakalipas na eleksyon o ang binansagang “Hocus PCOS”.
Ayon kay Belgica, naka-programa na ang mga mananalo sa darating na Eleksyon 2016 na kinabibilangan ng Presidente, Bise Presidente at 8 Senador kaya wala na rin umanong halaga ang pagboto dahil hindi naman ito bibilangin ng mga makina.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Belgica
Sinabi pa ni Belgica na wala na ring mga security features ang mga PCOS machine na maaring magbantay sa mga boto dahil tinanggal na ito ng Commission on Elections (COMELEC).
Una rito, naglabas ang grupo ni Belgica at dating Biliran Representative Atty. Glenn Chong ng isang video na in-upload sa Youtube na nagpapakita kung paano ginamit sa umano’y pandaraya ang mga PCOS machine.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Belgica
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita