Umalma ang isang grupo ng consumers sa kautusan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa online sellers na magpa rehistro para masingil ng buwis.
Ayon kay Neva Talladen, assistant secretary ng Nationwide Association of Consumers Incorporated (NACI) counterproductive at unrealistic o hindi makakatohanan ang nasabing hakbangin lalo na sa mga nasa small e commerce businesses.
Sa halip isinulong ni Talladen ang pag incentivize sa E-commerce registration and taxation subalit magbibigay ng madali at kakaunting requirements para sa single proprietor entrepreneurs sa e commerce lalo na sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang mga negosyo.
Ipinanukala rin ni Talladen ang pagtatayo ng official national E-commerce platform na maaaring magamit ng maliliit na online enterpreneurs bilang marketplace.