Tinambangan ng mga armadong lalaki ang isang team ng Doctors Without Borders kung saan isa ang nasawi sa Central African Republic o CAR.
Ayon sa ulat, may dalang pasyente ang kanilang grupo nang pagbabarilin sa bayan ng Batangafo.
Maliban sa nasawi, isang rider at dalawa pang pasyente ang sugatan.
Wala pang umaakong grupo sa naturang pag-atake.