Dapat na palawigin pa ang Alert level 4 sa National Capital Region (NCR) kahit na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa isang grupo ng mga doktor, mas mainam sa bansa ang pagpapatuloy ng paghihigpit sa publiko para magtuloy-tuloy pa ang magandang bilang sa kaso ng COVID-19.
Iniiwasan kasi na muling dumami ang kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.
Matatandaan na una nang sinabi ng Malacañang na posible nilang ibaba ang alert level system sa Metro Manila, sakaling matapos ang alert level 4 sa Oktubre 15.
Pero sa naging pahayag ni Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin, hintayin na lamang na mas mapataas ang numero ng mga taong nabakunahan bago luwagan ang alert level system sa Metro Manila.— sa panulat ni Angelica Doctolero