Nagsagawa ng kilos protesta ang isang grupo ng health worker sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH) kaninang umaga.
Ito’y para iparating ang kanilang panawagan na ilabas na ang kanilang benepisyong nakapaloob sa Bayanihan 2.
Kabilang din sa panawagan ng grupo ay ang pagbibitiw sa pwesto ni Health Secretary Francisco Duque III.