Pinag-iisipang sampahan ng reklamo sa Senate Ethics Committee si Senador Tito Sotto ng isang grupo ng kababaihan.
Muling nagrally sa harap ng senado ang Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan upang ipakita kay Sotto na hindi katanggap tanggap ang paghingi lamang nya ng ‘sorry’.
Kaugnay ito sa ‘na-ano lang’ comment ni Sotto kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo dahil sa pagiging single parent nito.
Ayon kay Amparo Miciano , Secretary General ng grupo, karaniwan ay itinatago sa joke o biro ang panlalait sa mga babae subalit ang totoo ay talagang mababa pa rin ang pagtingin ng iba sa mga babae.
Sakaling matuloy ang paghahain nila ng reklamo , hihilingin ng grupo kay Sotto na mag inhibit dahil ito ang chairman ng komite.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno