Isang grupo ng kababaihan sa Las Piñas City ang nagtahi ng 3,000 face masks para sa mga frontliners.
Ang serbisyo ng grupong Kalipi o Kalipunan ng Liping Pilipina na pagtatahi ng face masks ay kanilang hakbang para tumulong sa lokal na pamahalaan ng Las Piñas gayundin ang pagbibigay ng hanap-buhay sa mga miyembro ng grupi sa gitna ng krisis dahil sa COVID-19.
Bukod sa mga face masks, tiniyak naman ni Mayor Imelda Aguilar sa mga frontliners sa lungsod na patuloy lamang ang kanilang pagbibigay ng suporta sa mga kakailanganin ng mga ito sa gyera kontra COVID-19.
Sa panulat ni Ace Cruz.