Pina-a-alis na ng isang grupo ng mga doktor sa gobyerno ang ban sa paggamit ng Dengvaxia sa gitna na rin ng patuloy na paglobo ng kaso ng dengue.
Ito ay ayon sa DPTW o Doctors for Truth and Public Welfare ay kasunod ng naging pahayag ng Malakaniyang na bukas ang Duterte administration na gamitin ang muli ang Dengvaxia kung irerekomenda ito ng mga expert.
Sinabi ni Dr. Minguila Padilla, co convenor ng DPTW na dapat nang i-lift ang ban lalo na’t idineklara ang national dengue alert.
Nangangahulugan ito aniya na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng high risk populations kung saan inirerekomenda ng World Health Organization ang paggamit ng Dengvaxia.Sinuportahan din ng DPTW ang desisyon ng WHO na ibilang ang Dengvaxia sa “2019 essential medicine list at list of essential diagnostics.”