Nanawagan ang Filipino Nurse United (FNU) para sa proteksyon ng mga nurse sa gitna ng patuloy na dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa FNU, mahalagang masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng mga nurse lalo’t sila ang panguhing exposed sa nakahahawang sakit ngayon pa na nakapasok na rin sa bansa ang bagong variant ng COVID-19.
Sinabi ng grupo, sa nakalipas na 11 buwan na pandemya, wala pa ring malinaw na istratehiyang inilalatag ang gobyerno na makapagbibigay ng proteksyon sa mga frontline health worker.
Kasabay nito, nanawagan ang FNU sa gobyerno na magkaloob ng libreng medical grade personal protective equipment sa lahat ng nurse saan mang ward ito nakatalaga.