Kinalampag ng isang grupo ng mga riders ang gobyerno upang mabigyan sila ng proteksiyon sa kalsada kasunod ng isinagawa nilang pagtitipon sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.
Ayon kay Romeo Maglungsod, tagapagsalita ng Kapatiran sa Dalawang Gulong (Kagulong), idinadaing ng kanilang mga miyembro ang nararanasan nilang diskriminasyon.
Hirit ng grupo, dapat bigyan sila ng eksklusibong motorcycle lanes dahil hinuhuli ang mga riders kapag wala sa lane habang hindi naman hinuhuli ang mga kotse at iba pang sasakyan na pumapasok sa kanilang linya.