Isang grupo ng mga kabataan ang tila masyadong sineryoso at pinaghandaan ang pagsalubong sa nagdaang kapaskuhan upang makapag-caroling!
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang video na in-upload ni Charity Ates sa social media, makikita ang isang grupo na nangangaroling sa mga customer ng isang kainan.
Hindi sila ang tipikal na carolers na makikita sa mga kalsada tuwing kapaskuhan na mayroon lamang hawak na instruments at kakanta.
Dahil ang grupo na ito, kumpleto na nga sa equipment na speaker, microphone, at background music, may kasama pang props at choreography!
Mapaghahalataang hindi basta-basta at talagang pinag-isipang mabuti ng grupo ang kanilang gagawin dahil bukod sa magandang boses ng kanilang main singer, nagpabida rin ang mga ito ng mga acrobatic stunts.
Kaya naman talagang match na match ang inilagay na caption ng uploader na si Charity na “maulaw man sab mo hatag og 20 ani uy” na ang ibig sabihin ay nakakahiya namang magbigay dito ng bente dito oy.
Sa isang pahayag, sinabi ni Charity na lalabas na sana sila mula sa kainan nang bigla na lamang dumating ang grupo at nagpasiklab ng kanilang performance level na pangangaroling.
Dagdag pa niya, hindi maipagkakaila na naaliw ang mga customer sa kainan dahil sa todo bigay na biglaang performance na kanilang nasaksihan habang naghahapunan.
Isa itong patunay na anuman ang kaharapin nating pagsubok ay buhay na buhay pa rin sa mga pilipino ang diwa ng pasko.
Ikaw, kaya mo rin bang mangaroling katulad ng mga nasa viral video?