Nanawagan ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na totohanin ang kanilang sinasabing pagpapaigting sa pagbili ng palay o unmilled rice.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, hindi man lang makasasapat ang pondo ng pamahalaan para mabili nito ang sampung porsyentong ani ng mga magsasaka.
Dahil dito tinawagang pansin ni So ang Department of Agriculture para maghanda ng malaking pondo upang mabili ang mga palay sa mga local farmer sa gitna ng kumpetisyon sa imported rice dahil sa umiiral na Rice Tariffication Law.
Giit pa ni So, dati pa man ay mahirap na ang kalagayan ng mga magsasakasa bansa ngunit mas pinahirap ngayon ang sitwasyon ng mga ito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.