Patay ang isang guro na dapat sanang magsisilbi bilang support staff sa electoral board ngayong araw ng Halalan 2022 matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Negros Occidental.
Ayon kay PNP-Police Regional Office 6 Public Information Officer Chief, Police Lieutenant Colonel Arnel Solis, nangyari ang pamamaril dakong 8:30p.m kahapon sa Himamaylan City sa nasabing lalawigan kung saan tinamaan sa tiyan ang biktimang si Mercy Miguel.
Agad naman itong isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa naturang insidente.