Inaresto ng mga awtoridad ang siyam katao kabilang ang apat sa mga kamag-anak ng isang lalaki na pumatay sa isang guro sa Paris, France.
Ayon kay French President Emmanuel Macron, maituturing na terror attack ang nangyari sa biktimang si Samuel Paty na pinugutan ng isang lalaki.
Napatay naman ng mga awtoridad ang hindi pinangalanang suspek.
Matatandaang bago ang pamamaslang ay nagpakita umano si Paty sa kanyang mga estudyante ng cartoons ni Muhammad na propeta ng Islam.
Para sa mga muslim, ang anumang masamang pagsasalarawan sa kanilang propeta ay isang uri ng blasphemy o paglalapastangan sa kanilang relihiyon.
Samantala, kinondena naman ng mga Muslim leaders ang sinapit ni Paty at iginiit nilang hindi katanggap-tanggap sa kasalukuyang sibilisasyon ang pagpatay ng mga inosenteng tao.