Isang Haponesa ang muling nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa ikalawang pagkakataon.
Ang Haponesa na residente ng Osaka sa Western Japan ay nasuring positibo sa COVID-19 matapos makaranas ng sore throat at pananakit ng dibdib.
Una syang nagpositibo sa COVID-19 noong Enero at nakalabas ng ospital noong February 1 matapos makarecover.
Ayon sa Japan health ministry, ito ang unang kaso nila na ang isang pasyente ay nagpositibo sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.