Napapanahon na rin para magpaturok ng bakuna laban sa Influenza.
Ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, pumasok na ang panahon ng tag-ulan at tuwing buwan ng July, August at September karaniwang nagkakaroon din ng pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng trangkaso.
Delikado ani Slante ang clinical presentation ng Influenza lalo na’t madali lamang kapitan ng COVID-19 ang mga indibidwal na may trangkaso.
Dahil dito, pinayuhan ng eksperto ang publiko na laging isaalang-alang ang pagsusuot ng face mask, iwasan ang mga matataong lugar, mga gatherings at ang mga closed environment dahil maari ding makuha ang Influenza sa mga lugar na ito.
Kaya naman napakahalaga rin aniya na magpalakas ng katawan upang di madaling kapitan ng trangkaso.