Umaasa ang isang infectious disease expert na mapapataas ang COVID-19 vaccination coverage, lalo na ang booster shot na gaganaping special vaccination days ngayong buwan.
Nabatid na inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magsasagawa ito ng National COVID-19 booster week sa September 26 hanggang 29.
Ayon kay University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) Dr. Anna Lisa Ong-Lim, matataandaan na ginawa na rin ng pamahalaan noon ang pagbabakuna ng primary vaccine kung saan ito ay naging epektibo.
Kaya naman inaasahan niya na mapapataas ng nasabing aktibidad ang target booster coverage.
Gayunman, hinikayat ni Ong-Lim ang gobyerno na i-highlight ang kahalagahan ng pagpapaturok ng booster shot.