Isang “heavily-armed coast guard ship” ng China ang namataan malapit sa Sandy Cay o Subi Reef na bahagi ng West Philippine Sea na inaangkin ng Pilipinas.
Ayon kay Ryan Martinson, Assistant Professor ng China Maritime Studies Institute, Pebrero 25 o noong linggo namataan ang CCG 46301 malapit sa Pag-Asa Island ang Chinese Coast Guard Ship.
Ang nabanggit anyang barko ay may bigat na 4,000 tonelada, armado ng isang 76mm deck gun at 30mm machine guns.
Samantala, inihayag naman ni Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano na dapat ikabahala ang presensya ng mga barko ng Chinese Coast Guard at People’s Liberation Army sa Subi o Zamora Reef dahil sa lapit nito sa teritoryong inaangkin ng Pilipinas.
RPE