Nais masibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang officer in charge Deputy Commissioner for Intelligence ng Bureau of Customs.
Bagama’t hindi pinangalanan ng Pangulo, kaniya nang inatasan ang kaniyang mga aide para iparating kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang kaniyang direktiba.
Pinasususpinde at pinaaalis na ng Pangulo sa Aduana ang nasabing opisyal kung ayaw aniya nitong siya pa mismo ang magpaalis dito dahil malinaw ang kaniyang pahayag hinggil sa katiwalian o kurapsyon.
Kasunod nito, inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na isasailalim sa lifestyle check ang lahat ng opisyal at kawani ng Customs upang mabatid kung akma ang kanilang kinikita sa kanilang mga ari-arian.
Pagtitiyak pa ni Dominguez, kanilang i-aanunsyo kung sino ang pinasisibak na opisyal sa sandaling malagdaan na ang kautusan para rito.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping